Kahit ako, nagtataka rin kung bakit kailangan ko pa gumawa ng ganitong uri ng site. Isa na naman itong walang kakuwenta-kuwentang site na dumadagdag at nagpapayabong sa umuunlad na komunidad ng mga web trash.

Pampaubos oras, yun lang. Pampatagal ng sama ng loob. Mahirap maging idealistic sa panahong ito dahil lahat ng itinuro sa aking tama, parang hindi naman nagagawa. Puro satsat, hindi naman kayang gawin. Bakit ba? Sadya atang ganito. Wala na naman akong magagawa kundi magmaktol. Aanhin ba nila ang maktol? Pandagdag lang sa pasanin, wala rin namang maitutulong.

Itutuloy…