You are currently browsing the category archive for the 'Bulay' category.

Kahit noong bata pa ako, gustung-gusto ko na talaga si Yoda. Unang una, dahil “super cute” niya. Dagdagan pa ng kanyang taglay na katalinuhan, sino ba naman ang hindi bibilib sa bansot na ito?

Napag-alaman ko rin, na kung babaliktarin mo lang ang iyong pangungusap, magtutunog matalino ka na. Sabi niya kay Anakin Skywalker, “Conquer your fear, you must.” Oh di ba, binabaliktad lang, may wisdom na.

Naaalala ko tuloy yung maliit na pencil topper ko na Yoda. Binigay sa akin yon ng kasintahan ko. Dati, nilalagay ko yon sa tuktok ng aking computer saan mang trabaho ako mapadpad. Kapag nahihirapan akong mag-isip, hinahawakan ko lang ang noo niya, gumagaling na ako. Iba talaga ang impluwensiya sa buhay ko nito. Ngunit di naglaon ay tinigil ko na rin siyang ilagay sa aking computer. Kahit naman wala siya, basta kapag nasa akin ang fork, ok na ‘ko. Busog na sa isang order lang ng siomai.

Naalala nyo pa ba yung nauso dati, yung tayu-tayo ang buhok, exaggerated sa laki ng mata at mukhang duwendeng mga laruan. Troll yon. Ang papangit pero cute daw, parang yoda effect lang naman. Sabi nila may magic daw yon. Yung valedictorian nga ng batch na nauna sa amin, kapag daw nag-eexam yon, may troll daw na nakatayo sa harapan niya. Yon daw ang dahilan kaya daw sya naging valedictorian. Tingnan mo nga naman at pati laruan ginawan ng isyu.

Kapag bata ka pa, ang bilis gumawa ng isyu. Naaalala ko pa non, kapag may nagkakaroon na ng menstruation sa kaklase namin, aba, ang laking tsismax non! Tapos, parang pinandidirihan pa namin yon. Kapag nagiging makintab na yung mukha ng kaklase namin, iisipin namin, kasi nagmamantika na siya dahil may mense na siya… Eee… Kadiri talaga.

Naman, parang hindi naman kami tutuntong sa ganon. Kapag bata ka nga naman.

Nung elementary ako, presidente ako ng klase namin. Iyakin ako noon. Uso kasi Mara Clara non kaya kapag umiiyak ako, feeling istariray ako. Loka loka no? Isang beses, di ko na nakayanan yung pressure kasi ang ingay ng klase namin at hindi ko mapatahimik tapos ako naman sinisisi ng adviser namin. Tapos may mga nakakaaway pa kong mga kaklase. Ang totoo, hindi ko na nga maalala kung bakit ako umiiyak non. Isang beses, ang lola mo, nagdrama. Tumakbo sa may malapit sa CR. Sinundan ng crush at ng kaibigan. Mega punas pa sila sa luha ko. Ang linya ko, “Gusto ko nang mamatay! Hindi ko na kaya!” Sabi naman ng crush ko, “Huwag. Tama na yan. Wag ka nang umiyak.” Biruin mo, gusto kong tumalon sa terrace. Aba! Apat na floors yon, siguradong lalabas brain ko don. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko non at kung saang linya ni Juday ko nakuha yon.

Ang ending, eto, luka luka pa rin. Iyakin pa rin sa bupra. Namimiss ko na nga yung crush ko noon. Haayy…

Ang gulo ko no, nagsimula kay Yoda, nauwi kay Juday. Anyways, nainspire ulit tuloy ako.

Yung tungkol sa mga nabigo kong pag-ibig, abangan nyo… Malay nyo, kayo pala iyon. Etsus!

THE GODDESS

ANG UTOT

Ump... Ump... Proooooottt psshhh psshhh!!! Ahahayyy... Ang sarap... Mabaho no? Aba eh, paamuyin nyo ko ng utot na amoy Bench, mag-iinvest ako para sa industriyang yan. Di ba't ang sarap maglabas ng sama ng loob? Lalung lalo na kung matagal-tagal ding panahon mo itong tinatago. Aba! Syala na ang lola nyo, may pa-online online pang nalalaman - makautot lang! Hala sige, amoy!

Blog Stats

  • 564 hits