You are currently browsing the category archive for the ‘Nationalism’ category.

Ano nga bang tagalog ng namimiss?

Namimiss ko na kasing mag-tagalog. Sa iba kong mga blog, panay ingles ang ginagamit kong bernakulo. Marahil ay marami pa rin akong salita na hindi ko alam sa Filipino kaya’t mas nahihirapan akong magsulat sa Filipino. Hindi pa naman huli ang lahat para magsanay akong muli hindi ba?

Kakahiya, kahit yung mga kategorya ko sa blog na ito ay ingles; pati ang titulo.

Nitong linggong ito, binabagabag ako ng isang bagay na dapat kong pagdesisyunan sa lalong madaling panahon. Mayroon kasing ino-offer na Mandarin classes ang Dela Salle na magsisimula na sa darating na Sabado. Wala akong pera pero maaari akong mangutang. Apat na libo. Tsk! Tsk! Kanina, dinasal ko na sana magbigay si Lord ng senyales kung dapat ko nga ba itong kunin. Ilang minuto lamang ang lumipas, pinakita na agad sa akin ang kasagutan. Napapunta ako sa blog na You Die Hard. Haha, galit na galit sa mga intsik sapagkat sinasakop na raw nila ang lahat lahat. Hindi ko maipaliwanag ang galit nya kaya’t subukan nyo na lang tingnan sa site nya.

Kaya’t eto, ibubulsa ko na lang ang ipon ko at patuloy na magpapagaling sa pagsulat sa Filipino. Kasi, nakakamiss…

THE GODDESS

ANG UTOT

Ump... Ump... Proooooottt psshhh psshhh!!! Ahahayyy... Ang sarap... Mabaho no? Aba eh, paamuyin nyo ko ng utot na amoy Bench, mag-iinvest ako para sa industriyang yan. Di ba't ang sarap maglabas ng sama ng loob? Lalung lalo na kung matagal-tagal ding panahon mo itong tinatago. Aba! Syala na ang lola nyo, may pa-online online pang nalalaman - makautot lang! Hala sige, amoy!

Blog Stats

  • 806 hits
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.